Lumalalim na ang gabi. At ako ay may pag-asang antukin sa mga susunod pang minuto. Pero pinili kong gumawa ng blog entry para na rin sa ikabubuti ko. Ewan ba, ang gulo ata ng takbo ng utak ko ngayon. Kung ano ano na lang ang naiisip ko. Parang ang labo ng bawat pangyayari. Alam kong may gusto akong marating, may gusto akong patunguhan. Pero bakit ganun? Parang habang lumalapit ako sa nais ko, parang lalong lumalayo yung pinupuntahan ko?
Kanina, nakasama ko ang isa sa mga senior programmer sa kompanya namin. Kinailangan naming pumunta dun sa kleyente namin para makuha ang kinakailangang impormasyon para magawa yung software nila. Kanina ko nalaman ang isang importanteng bagay. "Ang buhay ay isang karera. Kung sakaling malubak at mahirap ang daan na tinutungo mo, hayaan mo lang, magpatuloy ka sa pagtakbo. Pabayaan mo lang kung ang mga kalaban mo ay sumuko at lumipat sa ibang daan. Ikaw nakakalahati na, sila magsisimula pa lang ulit. Pilitin mong matapos ang isang karera ng hindi sumusuko." Hindi iyan ang eksaktong pagkakasabi niya, pero nalaman ko ang nais niyang iparating. Dati siyang nangangarera kaya malamang iyon yung halimbawang naibigay niya sa akin. Pero tama naman siya kung tutuusin. Kailangan maging matatag ng isang tao. Kahit ano pa man yan. Para saan pa at nabuhay ka kung ang alam mo lang gawin ay sumuko ng hindi man lang pinaglalaban ang iyong paniniwala.
Sobrang unrelated ng pinagsasabi ko. At para bang napakalungkot ng tono ng pananalita ko. Bakit ganun? Kahit na pilitin kong maging positibo sa lahat ng bagay, nagmumukhang negatibo pa din yung dating? Isinumpa ba kong maghasik ng kalungkutan sa bawat bagay na gawin ko? Hindi naman siguro. Talagang ganito lang siguro ako. Kung ano man ako ngayon ay produkto ng kung anong mga bagay ang pinagdaanan ko sa aking nakaraan.
Search
Labels
- deiz (1)
- deviantart (1)
- inel (1)
- mike (1)
- mike inel (1)
- visual novel (1)
- vn (1)
- walkthrough (1)
0 comments:
Post a Comment